Panalangin Ng Pagbubukas-Palad

Panginoon, turuan mo akong maging bukas-palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
At magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo
Na makibakang di inaalintana, mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap ng kapalit na kaginhawaan
at di naghihintay kundi ang aking
mabatid na ang loob Mo'y siyang sinusundan.

Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap ng kapalit na kaginhawaan
at di naghihintay kundi ang aking
mabatid na ang loob Mo'y siyang sinusundan

Panginoon, turuan mo akong maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
At magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo.



Credits
Writer(s): Jandi Arboleda, Manoling Francisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link