Inang Pilipinas

Bayan, hawak mo sa iyong mga kamay
Ang kinabukasan ng ating bansa
Bayan ko, bukas ay gamitin mo
Ang iyong lakas sa tamang pagpapasya

Para sa mga mahihina
Para sa may kapansanan
Para sa mga kapus-palad
Para sa mga mahihirap

Para sa mga manggagawa
Mangingisda at magsasaka
Para sa mga nakatatanda
Para sa mga bata

Para sa 'ting kinabukasan
Para sa inang pilipinas

Bayan, nasa iyong mga kamay
Ang tunay na kapangyarihan
Bayan ko, bukas ay ipakita mo
Ang tinig ng mamamayan

Para sa mga kabataan
Para sa mga kababaihan
Para sa nagsusumikap
Para sa mga naglalayag

Para sa mga relihiyoso
Mga muslim at kristiyano
Para sa mga katutubo
Para sa mga guro

Para sa 'ting kinabukasan
Para sa inang pilipinas

Dapat nang baguhin ang kailangang baguhin
'Wag nang ibenta ang kinabukasan natin
Isipin mong mabuti na ang konting kikitain
Ay bukas at buhay ang nakataya

Walang mangyayari kung paulit-ulit
Dapat tayo'y mag-isip at 'wag papagamit
Isipin ang ikabubuti ng nakararami
Para sa susunod na mga salinlahi

Dapat nang magkaisa at manindigan
Paglibi ng pag-asa sa ating puso at isipan
Sama-samang tahakin ang tuwid na landas
Itayo ang isang bayan na may pusong wagas

Para sa kaligtasan
Para sa kapayapaan
Para sa katarungan
Para sa kaunlaran

Para sa kalayaan
Para sa 'ting kasarinlan
Para sa pagkakaisa
Para sa inang bayan

Para sa kinabukasan
Para sa inang pilipinas

Inang pilipinas
Inang pilipinas
Inang pilipinas



Credits
Writer(s): Noel Cabangon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link