Panginoon

Panginoon, patnubayan mo
Nawa ang bayan ko nang aming matanto
Katotohanan na walang hanggan
Nawa'y iyong ihayag sa bayan kong naduduwag

Sana'y dinggin ang aming dalangin
Muling gisingin ang bayan kong nahihimbing
Pag-isahin ang aming diwa't damdamin
Pagkat ikaw, poon, ang kapayapaan
Ikaw, poon, ang katarungan
Ang buhay at daan, ang katotohanan

Panginoon, patnubayan mo
Nawa ang bayan ko, ngayon ay magbago
Katotohanan nawa'y panindigan
Nang pag-asa'y sumilay sa bayan kong minamahal

Sana'y dinggin ang aming dalangin
Muling gisingin ang bayan kong nahihimbing
Pag-isahin ang aming diwa't damdamin
Pagkat ikaw, poon, ang kapayapaan
Ikaw, poon, ang katarungan
Ang buhay at daan, ang katotohanan

Pagkat ikaw, poon, ang kapayapaan
Ikaw, poon, ang katarungan
Ang buhay at daan, ang katotohanan

Panginoon, patnubayan mo



Credits
Writer(s): Noel Cabangon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link