Kahit Ako'y Pangit

Ang ibig mong sabihin, ako'y mahal mo rin
Kahit ang iyong tropa ay tutol sa akin
Dahil daw ako ay pangit
At dehins bagay sa 'yong beauty

Ang ibig mong sabihin, sa 'yo'y walang halaga
Ang aking kapintasan ay 'di mo nakikita
Ang tangi mo lang nalalaman
Ako ay iyong minamahal

Ang hindi nila nalalaman
Sa akin ay iyong natagpuan
Pangit lang akong pagmasdan
Ngunit puso'y may gintong kalooban

Ang ibig mong sabihin, kahit ako ay pangit
Sa puso mo at isip, ako ang iyong nais
At kahit na ako ay pangit
Tunay na iyong inibig

Ang hindi nila nalalaman
Sa akin ay iyong natagpuan
Pangit lang akong pagmasdan
Ngunit puso'y may gintong kalooban

Pangit lang akong pagmasdan
Ngunit puso'y may gintong kalooban



Credits
Writer(s): Roel Cortez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link