Isang Iglap

Unang tagpo, tayo'y nagkatinginan
Damdamin ay mayro'ng naramdaman
'Di nagtagal, kapwa nagkakilala
Bawat isa'y nakadama ng pagsinta

Isang iglap, puso ko'y nakamit mo
Sumumpa kang hindi magbabago
Bakit ngayon, ako'y iyong iniwan?
Dahil kaya sa bago mong minamahal?

Isang iglap, tayo'y pinagtagpo
Ako'y nabihag mo
Pag-ibig ko'y inalay sa 'yo
Isang iglap, ngayo'y iniwan mo
Pusong baliw sa 'yo
Nasaan na ang pangako?

Sana'y hindi na kita nakilala
Huwad pala ang taglay mong pagsinta
Heto ako, mata'y tigib ng luha
Nag-iisa, nagdurusa sa pagsinta

Isang iglap, tayo'y pinagtagpo
Ako'y nabihag mo
Pag-ibig ko'y inalay sa 'yo
Isang iglap, ngayo'y iniwan mo
Pusong baliw sa 'yo
Nasaan na ang pangako?

Isang iglap, tayo'y pinagtagpo
Ako'y nabihag mo
Pag-ibig ko'y inalay sa 'yo
Isang iglap, ngayo'y iniwan mo
Pusong baliw sa 'yo
Nasaan na ang pangako?

Isang iglap, tayo'y pinagtagpo
Ako'y nabihag mo
Pag-ibig ko'y inalay sa 'yo



Credits
Writer(s): Maria Bernardita Gutierrez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link