Isang Araw
Biyernes ng umaga
Paggising ko, pasok sa 'skwela
Nalilito, may exam ngayon
Napipikon, 'di ko malaman kung sa'n ako lilingon
Para makakuha ng sagot
Kapag bumagsak, ako'y malalagot
Kay ermat, erpat, sipa, tadyak
Ilabas ang kodigo, baka makalusot
Sa teacher kong apat ang mata
Nakasalaming kasingkapal ng tabla
Palakad-lakad, lapad-lapad
Buti na lamang, ako nama'y nakapasa
Kung hindi, mapipilitan na naman akong ulitin
Ang lahat ng mga pangyayari
Katulad nang minsan, ako ay nagbiyahe
At nakilala 'tong malupit na babae
Sa may QC, pangalan ay Debbie
Nag-aabang s'ya ng taxi
Tinitigan ko s'ya nang mata sa mata
Sinabi kong "You look lonely
Do you wanna go somewhere?", plak
Nagkabituin ang aking paningin
Bumakat ang kanyang kamay sa 'king mukha
Pagkatapos akong sampalin
Pero ngumiti s'ya
May kinuha sa bag at sinabing pwede ko daw ba s'yang matawagan
Kaya binigay n'yang kanyang calling card sa 'kin
Na animo'y parang humahalik sa hangin
Kaso lang, napagkamalan kong calling card n'ya na ticket ng bus
Naitapon kong kasama ng isang baso ng juice
Sinubukan kong hanapin sa may stop ng Sta. Cruz
At baka sakali na ang landas namin ay magkrus
Kaya pumasok ako sa isang eskinita
At tinanong ang kauna-unahan na nakita
Dahil baka sakaling kanyang nakikilala
Ang babaeng animo sa 'kin ay isang diwata
"Manong, nakikilala n'yo pa ba, sino ba 'yon?
Ano nga ba'ng pangalan n'ya, teka, Girlie ba 'yon?"
"Oo, kanina pa naghihintay sa 'yo doon
Lapitan mo, hayun, nakaupo sa may balon"
Eto ba s'ya? Bakit parang hindi yata ito?
Maganda s'ya kaya sige, napasubo ako
Teka lang, teka muna, ako'y litong-lito
Nangyayari lang 'to sa mga guniguni ko
Na para bang nagmamaneho ng isang bagong-bagong auto
Marami nang pera, nanalo pa sa lotto
Walang kumakalaban at lahat bumibilib
Hindi naghihintay, hindi naiinip
Teka lang, mabalik tayo sa kabilang kuwento ko
Habang naglalakad ay nakasalubong ako
Ng hiphop na metal, punkistang bungal
Natapilok kaya na-shoot sa kanal
Tinulungan ko, kawawa naman kasi
'Di na n'ya makita, limang pisong pambili
Ng suka na gagamitin ng kanyang Inay
Para may sawsawan ang kanyang masibang Itay
"Salamat, ha, ang bait mo pala"
Pagdating sa kanila, ako'y agad ipinakilala
Sa kapatid na si Girlie at sa pinsang si Debbie
Gulong-gulo at ako ay hindi mapakali
Para bang ang lahat ng mata'y sa 'kin nakatingin
At hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin
Kasi ba naman, parang walang malabong nangyari
Sa 'min nitong mga kaharap kong panalong babae

Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Other Album Tracks
© 2025 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.