Bakit

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)
Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?
Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)
Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?

Nang una kitang makita sa may Ermita
Hindi ko na namalayan kung bakit
Na para bang ako'y naakit
Nang ika'y lumapit
Tinanong ko ang 'yong pangalan at ang yong telepono
Pero sabi mo 'di mo kinakausap ang mga katulad ko
Walang pera, walang kotse
'Di doble-doble ang cell

Pero teka muna, miss, 'wag kang mabilis
Lumakad, 'di naman ako manyakis
At walang labis, walang kulang ang sinukli ko sa 'yo
Balot! Eto pa, sige, dalhin mo na lang sa inyo
Kahit na wala akong kitain, walang makain
Basta't alam mo lang kung ga'no kahalaga sa akin
Nang ikaw ay mapaglingkuran (paglingkuran)
At mapagsilbihan (pagsilbihan)
'Pagpatawad mo sana ako man ay naguguluhan

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)
Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?
Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)
Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?

Sa loob ng aking kuwarto
Sa loob ng banyo
Kung alam mo lamang ang dami ng mga litrato
Kinunan ko sa may kanto
At ipinakuwadro ko pa
Nang sa gano'n ay lagi tayong magkasama
Araw man o gabi kahit sandali
Sa hirap man o ginhawa

Ikaw at ako magpakailanman
Na para bang mga palabas sa Cine
Alam mo na para bang imposible?
Pero pwede ka bang mailibre?
Sa kanto ng lugaw
Palamig, siomai o siopao
Baka pwede 'wag kang masyadong matakaw
Sige, na nga pero pwede bang dumalaw
Pagmamahal ko sana ay tanggapin mo
Pero kung itataboy mo ay ikamamatay, ikamamatay ko

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)
Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?

Siguro naman ngayon ay alam mo na
Kung gaano kawagas ang aking pag-ibig
Simula sa laman hanggang sa litid
Kailaliman ay sinisisid
Pero bakit ginamit
Puro luha at pasakit
Makalipas ang mahabang panahon
Ang aking pagmamahal ay napalitan ng galit

Nang makita kita na may kasamang iba
May dala-dala pa naman akong regalo
Matagal kong pinag-ipunan
Kinuha sa alkansya
Naglalakad habang lumuluha
Tinititigan ang lupa
Sinungaling ang mga baraha na tinanong

Hindi naman natupad ang kanilang mga hula
Wala nang dahilan para mabuhay
Naging abo, wala nang kulay
Akala ko nung una, tayo nang dalawa
Ilang taon din naman akong naghintay
Paalam na, aking mahal
Ako ay 'di na magtatagal
At tanging ang 'yong pagbalik
Ang s'yang aking ipagdarasal

Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)
Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?
Bakit hinahanap ka? (Bakit kaya?)
Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?

Bakit hinahanap ka? (bakit kaya?)
Bakit tinatawag ang 'yong pangalan?



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco, Michael Joseph Villegas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link