Si Raul
Naranasan mo na bang kumain nang walang nakahain?
Nabasa ng ulan dahil wala kang dahon ng saging na masilungan
'Di tinulungan, 'di mo akalain
Na tuluyan kang matatabunan ng mga suliranin
Naranasan mo na bang parang nakagapos ang mga braso?
Sa mga problemang kinakaharap ay lagi kang talo
'Di na alam ang 'yong gagawin, sa putik ay sagipin
Kung mayro'n kang pagtingin, aking palad ay abutin
Tila hindi na tuluyan pang maubusan ng luha
Mata na palagi na lamang nakatitig sa lupa
Hindi na kayang tumingala, kailan makakawala?
Magkasingdami ng pagsubok ang aking pagkadapa
Kailan pa matatapos paghihirap ko sa buhay?
'Di ko 'to ginusto pero mahaba na'ng aking sungay
At nang hindi na madamay pa sa aking kamalasan
Pilitin mong matakasan bago pa 'ko masiraan ng aking ulo
Bago pa 'ko masiraan ng aking ulo
Ayoko mang masiraan ang aking ulo
Bago pa 'ko masiraan ng aking ulo
Bahala na, masiraan ng ulo
Naranasan mo na bang pawisang hindi mo pwedeng punasan?
Hindi mo pwedeng iwasan, hindi mo pwedeng labanan
Hindi mo pwedeng gamitin, hindi mo pwedeng hipuin
Sunud-sunurang alipin na parang ako'y inutil
Na laging hinahagupit ng amo kong malupit
Nadarama kong sakit, palaging nakapikit
At pilit na tinitiis ang bawat hapdi
Sa mga araw na laging kulang ka sa salapi
At 'di mo na malaman kung kanino ka hihingi
Kung minsan ay hindi mo na makuha pang ngumiti
Pagkagising ay trabaho, kung minsan ay namamaho
Kasi butas na ang tabo, wala pang tubig sa banyo
Sinasabunutan mo na'ng sarili, langaw ay hinuhuli
'Pag mag-isa'y humuhuni, nand'yan sa tabi-tabi
Gusto mo nang sumigaw, gusto mo nang bumitaw
Sabihin mo sa 'kin bago pa 'ko masiraan ng aking ulo

Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Other Album Tracks
© 2025 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.