Sikat Na Si Pepe

Ako'y isang maralita na mahilig lang sumulat
Ng mga awitin na aking iniisip at naririnig
Laging pinagtatawanan at pinagkakaisahan
Dahil 'di raw ako mayaman at nagta-tricycle lang
Kung minsa'y nakasabit sa jeep, laging may butas ang damit
T'wing aakyat ng ligaw, sinasarhan ng ilaw

Sikat na si Pepe (sikat na si Pepe)
'Di na pahinante (sikat na si Pepe)
Madami nang pera (sikat na si Pepe)
May bago pang kotse (sikat na si Pepe)
Dahil ang sabi ko sa kanya ay

Ako'y isang tagahanga ng sikat at iniidolo ng lahat
Laging naghihintay sa radyo kahit ang bulsa'y salat
Ako'y pinagtatawanan at pinagkakaisahan
Dahil 'di raw ako mayaman at nagta-tricycle lang

Sikat na dahil may auto na cool, phone never memory full
Mga sigaw ng babae sa international school
Laging may concert, nagkalat na sweatshirt
Sa dami ng raket, pati sipilyo ko sponsored
Limang Lamborghini, pito na Ferrari
Walang magawa sa isang dosenang Duccati
Kumpleto sa bling-bling, relo na may ningning
Nagkapatong-patong na plake sa aming dingding

Wala ka sa style ko, pati na sa tiyempo
Lahat ng nagbebenta ng pirata ay fan ko
Huwag kang magagalit, lalong pumapangit
'Di ba sikat ka naman, baka pwedeng sumabit?
Boses ko sa CD, mukha ko sa TV
Kung gustong makilala, buksan mo ang iyong PC
Sikat na si Pepe, 'di na pahinante
Marami nang pera, bukambibig ng mga tao ay

Sikat na si Pepe (sikat na si Pepe)
'Di na pahinante (sikat na si Pepe)
Madami nang pera (sikat na si Pepe)
May bago pang kotse (sikat na si Pepe)
Dahil ang sabi ko sa kanya ay

'Wag kang susuko kahit pa anong sabihin ng iba
Magkamali ma'y ayos lang, 'wag kang susuko
Bukambibig ng mga tao ay

Sikat na si Pepe (sikat na si Pepe)
'Di na pahinante (sikat na si Pepe)
Ang dami nang pera (sikat na si Pepe)
May bago pang kotse (sikat na si Pepe)

Sikat na si Pepe (sikat na si Pepe)
'Di na pahinante (sikat na si Pepe)
Ang dami nang pera (sikat na si Pepe)
May bago pang kotse (sikat na si Pepe)



Credits
Writer(s): Aristotle Pollisco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link