Ang Mga Tertulya

Ang mga tertulya
Natatandaan mo pa
Kasama ako'ng lagi ng Papa
Ang liit mo pa n'on

Pag Sabado sa Binondo
Sa bahay ng mga Monsod
Pag Lunes sa Quiapo sa botika ni Dr. Moreta
Miyerkoles sa Carriedo
Sa tindahan ng mga libro ni Don Aristeo
At pag Biyernes sa bahay ng mga Marasigan

Brandy pa, Don Pepe
Brandy pa, Don Isidro
Mapresko sa may bintana
Doon tayo, Doña Upeng

Doña Irene, ang tula ng dakilang si Ruben ang pinag-uusapan
Tuvo razón tu abuela con su cabello cano
Muy más que tú con rizos
En que se enrosca el día

Sa banda rito, Don Aristeo
Brandy, Paula, ang gusto ni Don Aristeo, oh, ooh, ooh
Puwera ang politika sa usapan dito
Oo, Doña Irene

Ang dalas naming manood sa kompanya ng sarsuelang yon, oh, ooh, ooh
Ituloy, Don Alvaro, ang kuwento mo tungkol kay Heneral Aguinaldo
Tita Paula, Tita Paula, chichichi ako



Credits
Writer(s): Raymundo Cipriano P Cayabyab, Rolando S. Tinio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link