Retrato Del Artista Como Filipino

Yan ba?
Oo
Kailan ipininta ng 'yong Papa?
"May 'sang taon na"
"Kagila-gilalas!"
"Ang tawag nya Retrato Del Artista Como Filipino"
"Larawan ng Pintor Bilang Pilipino"

Ngunit bakit hindi Pilipino ang eksenang yan?
Anong ibig nyang ipakahulugan?
Matandang nakababa sa batang pang isa
Sa likod ng dalawa
Nasusunog na lungsod

Si Papa ang matanda
Si Papa rin naman ang batang nariyan
Si Papa sa panahon ng kanyang kabataan
"Oo nga"
At ang lungsod na nag-aapoy
"Ang lungsod ng Troya! Hindi ba?"

Alam palang lamang istorya
Bitbit ni Aeneas si Anchises na ama paglikas sa Troya
Pininta ng Papa nyo ang sarili nya
Sa papel ni Aeneas at ni Anchises pa

"Ang sarili ngayon at ang sarili nya nung nagdaang panahon"
"Kagimbal-gimbal ang dating sa akin"
"Ang epekto pala sayo'y ganun din"
"Parang nagdodoble ang aking paningin"
Kung minsan, isip ko isa 'yang halimaw
Nag-iisang tao na dalawa ang ulo

Alam nyo bang may Pranses na turistang sumulat ng artikulo
Panay ang pagpuri sa larawan ninyo
Noon pang tagahanga ng Papa ang mama
Nakilala sila sa Madrid at Barcelona

"Sabihin mo Bitoy, reporter ka ba sa isang peryodiko?"
"Ah, oo Oo!"
"Kaya ka lang pala napadalaw sa amin"
Lahat nang naparito, hindi kami ang sadya
Kundi ang retrato

Dapat kayong matuwa
Dapat kayong magmarangal
Maraming nag-akalang patay na'ng inyong Papa
Ngayong pagkaraan ng maraming taon
Siya'ng pinag-uusapan ng lahat kahit saan
Nabulabog ang bayan
Don Lorenzo Marasigan ang dakilang pintor
Kaibiga't, karibal ng dakilang si Juan Luna'y
Hindi lang pala buhay, nakalikha pa ng
Ng isa pang obra maestra
Sa kanyang katandaan

Ginawa ng Papa ang larawang yan para sa'min ni Candida
'Sang taong tahimik na nakasabit dyan
"Nang dumating ang Pranses at sumulat sya
Hindi na kami natahimik Hindi na"
"Araw-araw na lang may reporter sa dyaryo
O potograpo o estudyanteng napaparito"

At kami, ayaw namin ng ganon
Ayaw namin Bitoy



Credits
Writer(s): Raymundo Cipriano P Cayabyab, Rolando S. Tinio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link