Walang Ilaw

Candida, walang ilaw
Subukan mo uli
Ilang beses ko ng sinubukan ng sinubukan
Subukan mo sa ibaba ng hagdanan
Susubukan ko sa pasilyo

Wala ring ilaw sa hagdanan
Wala
May ilaw ba sa pasilyo?
Wala
At wala ring ilaw sa kwarto ng papa
Naku Candida, pinutulan tayo ng kuryente
Tawagan mo sina Manolo't Pepang
Tawagan mo'ng kumpanya ng ilaw
'Wag kang maingay
Gusto mong makitawag ako sa kanto?

Alam na ng lahat sa kalye nating
Pinutulan tayo ng kuryente't
Dahil hindi tayo nakabayad
Naku, Candida
Naku, Candida
Sarhan mo ang mga bintana
Makikita ako ng mga kapitbahay
Alam ko ng tsismisan nila
Tingnan mo'ng dalawang nagrereyna-reyna
Ni hindi makabayad sa kuryente nila

Paano pa natin maihaharap?
Mga mukha natin sa labas
Sarhan mo'ng mga bintana
Makikita nila tayo

Baka wala pang nakakapansin
Madilim ating bahay

Walang ilaw kahit saan
Walang ilaw
Madilim lahat ng bahay
Madilim
Madilim ang buong lansangan
Anong nangyari?

Napakagaga natin
Ano bang nangyari?
Wala ngang nangyari
Anong wala?
Na sa diyaryo nga pala
Hindi kasi tayo nagbabasa

Anong sabi sa diyaryo?
May blackout ngayon
Nag-papractice ng blackout
Naghahanda para sa giyera
At akala natin, natatakot tayong magsara ng bintana
Natatakot tayong matanaw ng kapitbahay

'Di ba't isang pares tayong torta't kalahati?
Isang pares na torta
Nakatatawa
Nakatatawa
Candida
Hindi ko na kaya
Hindi ko na kaya



Credits
Writer(s): Raymundo Cipriano P Cayabyab, Rolando S. Tinio
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link