Mukha Ng Pera

(Ano gayan)
(Habang padagdag ng padagdag ang aking kayamanan)
(Lalong lumalaki ang gastos ko para mapanatili lang ang aking kaligayahan)
(Kasukdulang kaligayahan ay hindi nabibili ng pera)

Simulat sapul ganun na talaga ang ikot ng mundo
Matagal na natin 'tong nararanasan
Napipilitan tayong gawin ang trabahong hindi natin gusto
Para bilhin ang mga bagay na hindi natin kailangan

Kahirapan, sanay na kami dyan
Higit libo na ang bilyonaryong may kaharian
Ngunit bilyon din ang taghirap patay na yung ilan
Wala sanang taggutom kung pantay yung hatian

Alam mo bang anim na pung trilyong dolyares
Ang lahat ng pera sa buong mundo kung susumahin mo sila?
Kapag hinati natin ng pantay
Bale mayro'n tayong tag sya-syam na libong aray
Bawat isa laging problema pag-atrenta may pang renta na ba ako?
Wala pa rin pambayad sa punyetang meralco
Wala kang pera sa bangko, wala kang kwenta na tao
Sa jack-en-poy ng buhay laging papel ang panalo

Pera, ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo
Yan ang nakasulat sa libro
Pera, kaso lang napansin ko
Hindi salapi ang tunay na salarin kundi ang kakulangan nito

Kasi marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal pag wala kang pera
Marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal pag wala kang pera
Kung wala kang datung, wala kang dating
Kaya mapipilitan kang kumapit sa patalim
Kasi marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal pag wala kang pera

Kahit hindi pasko makatanggap ng aginaldo
Magkagera man may maipadalang mga sundalo
Makabihag sana ng iba't-ibang ulo ng tao
Para dumami yung bilang nila pagbalik ng kampo

Sa kanto may lotohan ako'y napataya
Sana swak, sa numerong tatama mamaya
Lumalalang kundisyon ng bulsang walang-wala
May pag-asa pa kayang mapataba

Halimuyak ng iniihaw na atay, dugo, bituka
Sa kung sa'n nagwewelgang mga bulate sa sikmura
Sa aking paningin dingding itim na yung pintura
Kung paghahanap lang sana ng trabaho yung inuna

Ang hirap mong kitain ang dali mong magpaalam
Pinilahan, dinilaan at pinagpasapasahan
Makati ka pa sa palad kaya pinagnanasahan
Napupunta ka lang sa bagay na 'di ko naman kailangan sayang

Pera, ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo
Yan ang nakasulat sa libro
Pera, kaso lang napansin ko
Hindi salapi ang tunay na salarin, kundi ang kakulangan nito

Kasi marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal pag wala kang pera
Marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal pag wala kang pera
Kung wala kang datung, wala kang dating
Kaya mapipilitan kang kumapit sa patalim
Kasi marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal pag wala kang pera

'Di na tayo
Mag-uulam ng galunggong
Balang araw
Kasi sa susunod
Asin na lang at bahaw

Tumungo ng tindahan para maka-utang ng de-lata
Parang tiyan walang laman at maisuka ang pitaka
Kahit gustohin ko manhiram sa kakilala
'Wag na lang kaya, baka mapahiya pa
Sa baba ng piso ay lalong hindi ko
Na kaya pang mabuhay pa rito
Bago humiga, manalangin huminga ng malalim
Harapin ang bukas na sana'y mayro'n tayong makain

Wala man lang kanin, biscuit lang ang nasa harap
Tiis lang muna kapatid tipid lang sa bawat kagat
Sa tuwing gipit at presyo ng bilihin ay umaangat
Ang century tuna't pancit canton biglang sumasarap
Ito na yung pagbangon sa pagkakabaon sa utang
Tutukan niyo na para bang yung sekyu dun sa pintuan
Yumuko kayo lahat walang tatakbo, itaas mga kamay ninyo (boom, boom, boom)

Marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal pag wala kang pera
Marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal pag wala kang pera
Kung wala kang datung, wala kang dating
Kaya mapipilitan kang kumapit sa patalim
Kasi marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal pag wala kang pera

Marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal, you have got no moolah
Marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal pag wala kay kwarta
Kung wala kang datung, wala kang dating
Kaya mapipilitan kang kumapit sa patalim
Kasi marami ang mahal, marami ang mahal
Marami ang mahal pag wala kang pera

Sa mayaman puro luho
Sa mahirap puro luha
Pag 'di kaya sumusuko
Ang mahina sumusuka



Credits
Writer(s): Juan Sebastian, Lester Paul Vano, Marlon Peroramas, Ron Henley
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link