Sinungaling

Sinungaling ka, sinungaling ako
Sino nga ba sa atin ang nagsasabi ng totoo
Sinungaling ang simbahan, sinungaling ang gobyerno
Sinungaling pag sinabing di to galing sa kwaderno
Sinungaling ang radyo, sinungaling ang dyaryo
Baradong inidoro sinong galing sa banyo
Mahirap malaman kung sino saatin ang

Tapat sapagkat para sakin sinungaling ang lahat
Sinungaling ang nag presyo sa resto ng tapsi,
Sinungaling ang tsuper pati yung metro ng taxi
Sinungaling ang kasintahan anak ng
Tinapa, sabi nya ikaw lamang at wala ng iba pa
Kasama nya yung sinungaling mong tunay na
Kaibigan na dadamay sa'yo hanggang sa hukay mo sa libingan
Pano mong malalaman ako'y nanloloko
Lamang, sinungaling ako at yun ang katotohanan

Kahit na sarili ko di ko
Mapagkatiwalaan di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat sino ang di totoo, sino, sino, sinungaling ako
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan makinig ka muna upang
Mapaliwanagan kung walang tapat sayo ikaw ay
Aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin

Meron akong kwento isa daw syang henyo
Kaya pala kase mahilig sya mag imbento
Bawat may makilala may panget na komento
Pero pag kaharap parang galing sa kumbento
Makamandag kase dila ay hawig sa ahas dahilan para kagatin ni eba ang
Mansanas, ngunit ako'y matalas
Wala na syang takas, alam na namin na di sya lumalaban ng patas

Mag ingat ka na rin, may balak syang maitim
Alam ko'y ahas lang ngunit tao'y nagbabalat na rin
Ibat- iba ang hugis at kulay, sa pag sisinungaling sya nabubuhay
Pagkakaibigan ang binayad tapos ito ang sukli ko
Dapat ka lang sa dilim kase ang itim ng budhi mo
Lumayo ka sakin, wag mo kong kausapin
Alam mo na ayoko sa lahat ay sinungaling

Kahit na sarili ko di ko
Mapagkatiwalaan di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat sino ang di totoo, sino, sino, sinungaling ako
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan makinig ka muna upang
Mapaliwanagan kung walang tapat sayo ikaw ay
Aking tatapatin sino, sino, sinungaling ka rin

Isipin mo na nasa gubat ka, ika'y giniginaw
'Di mo alam ang daan palabas, ika'y naliligaw
May dalawang daanan, kaliwa at kanan
Mayron dalawang nakabahag na nakaharang
Yung isang daan papunta sa kabihasnan
Yung isa naman papuntang kapahamakan
Yung isang nakabahag laging nagsisinungaling
Yung isa naman tapat pero isipin mo pa rin

'Di mo alam kung sino sa kanila ang huwad
Magkamukhang-magkamukha parehas pang nakahubad
Isang tanong lang ang pwede mong itanong sa kanila
Para makalabas sa gubat at makapag-pahinga
Ang sagot sa tanong na 'to ay palaisipan
Kung gusto mong matuklasan nasa papel ng CD 'yan
P'ano mo malalaman na ako'y nanloloko lamang
Sinungaling ako at yun ang katotohanan



Credits
Writer(s): Alexander Calinawan, Francisco Garcia, Joseph Jabol, Juan Sebastian, Mark Vincent Brillantes, Marlon Peroramas, Nikki Cabardo, Ron Henley
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link