Parisukat
Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
'Di man umiikot ito'y nalimot
Na dahil meron lamang apat na kanto
Itong mundong hugis parisukat
Di mo ko kinikibo, tapik na ko ng tapik
Nagpadala ng puso, umaasang may bumalik
Sanay na nga ba yung sugat sa patak ng kalamansi
Nung naiputan niya sariwa pa rin sa akin yung hapdi
Subukan ko kayang mangyurak ng damdamin
Wala rin, kunsensya ko naman yung uupak sa akin
Wala ng takas sa masamang lasa ng nicotine
Napapraning na rin sa tuwing may babagsak na pigurin
Basag na yung katahimikan sa mundo kong nasa plato
Detalyado kong ginuhit nang sagrado na kwadrado
Kusang di ko na kailangan ng matataas na grado
May mga mata ng kwago sa sulok ng bawat kanto
Marunong magpatawad pero di nakakalimot
Saksi ang guhit sa palad kung pano mo pinaikot
Sa mundo kong ito di mo na ko mabibilog
Tiyak lulutang yung basurang itinapon mo sa ilog

Mga makabagong aparato at teknolohiyang moderno
Kailangan kong magkaganoon ayokong mahuli sa kwento
Dala-dalawa na ang telepono di parin kuntento
Puro lamang sarili, trato at pasikat sa komento
Alam mo bang alam nila ang buong pangalan mo kumpleto
Araw ng kapanganakan, trabaho mo pati sweldo
Kasi trenta porsyentong rason kaya to inimbento
Para madali lang tayong matiktikan ng gobyerno
Kalayaan sa dayuhan ay pilit na pinaglaban
Para lamang maging alipin ng kahirapan
Parang salamangkerong pinapili ang nanonood
Kanan man o kaliwang kamay siya parin ang siyang nasusunod
Madalas tayong nauutakan ng ating napupusuan
Ngunit sa bawat pagbagsak ay may kapupulutan
Na mga aral na dapat maaga mong natututunan
Tulad ng di ka malaya, malawak lang ang kulungan

Wala na akong ibang mahihiling pa
Sa sulok ng mundong ito kapiling kita, o sinta
Bakit ba sa twing pinapalaya mo
Labas pasok parin ako
Sa bilangguang nakasanayan ko
Gustong kumawala ng kamalayan di sanay na palaging gala
Maghapong kayod ng kayod para lang may gatang mapiga
Minsan nga maraming daga, basa, maingay na talipapa
Kulang ata ang tamang salita upang maitama ang mga maling nagawa
Sa sinasabi ng iba wag ka masyadong magbabalewala
Marami ng buhay ang nababalewala, napariwara
Kamatayan lang ang makakapaglayas ng tanikala
Makakatakas lang naman sa parisukat
Kapag nakahiga ka na sa parihaba
Ang mga butas sa pader ay nakatingin
Mababang kisame ay nakikinig
Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
Kung di man umiikot ito'y nalimot

Credits
Writer(s): Alexander Calinawan, Juan Sebastian, Lester Paul Vano, Mark Vincent Brillantes, Marlon Peroramas, Nikki Cabardo, Ron Henley
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Other Album Tracks
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.