Hiram

Limitado ang renta natin sa planeta
Nasasayang sa mga bagay na walang kwenta
Kung pinanganak ka ng dekada otsenta
Wag ka nang umasang umabot ka pa ng nobenta
Alaala na ang kabataan ang saya-saya
Hanggang sa ang barkadahan ay nagkanya-kanya
Di na mapaghiwalay pagnagdikit silang lima

Hanggang sa tumanda at nagkapamilya na sila
Dating magkatropa mga trip ay nag-iba
Tsaka na lang nakumpleto nung
Libing na nung isa
May langit nga ba?
Pano kung wala?
Nasayang lang buhay mo sa kakatingala
Kakahintay sa gantimpala't himala
Sumabay sa sablay na paniniwala ng madla
Pasok sa paaralan, maghapong tulala

Hanggang sa makatapos pero trabaho ay wala
Tatambahay maghapon na mabahong paa
Oras na para bumangon aba
Palagi ka na lang nakahiga kahapon ka pa
Maraming oras para dyan kapag nasa
Kabaong ka na
Sasayangin mo kaya ang segundo kahit isa
Kung alam mo na kung ilan na lang

Ang natitira?
Ano kaya sa mga ugali mo magiiba?
Kung alam mo na kung kelan
Ang huli mong hininga
Habang buhay ka ba mananatiling nakatanga?
Anong gusto mong gawin?
Nkapili ka na ba?
Napakaikli nakakabitin talaga sulitin mo na
Habang himihinga ka pa
Gamit ang lapis sa bulsa ako'y magiiwan

Ng marka na di maaring mabura
Subalit aking napuna
Ang gusto ng karamihan ay sa langit mapunta
Ngunit bakit walang nais mauna?

Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang

Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
Sundan ang liwanag, Gisingin ang kamalayan

Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang

Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman

Nais ng ilan, wala ng solian
Ayaw pang bitawan ang kanilang nakagawian
Habang yung iba naman
Naghanap ng dahilan magdiwang umaasang merong ulitan
Bigay man o hiram
Ano mang kahulugan
Susulitin ko nalang
Kasi bibihira lang namang

Mangyare sa kaluluwa ang ganitong klase ng karanasan
Pano nga kaya kung nakatago lang pala sa bungo ang susi ng kaharian
Para lalo mong masaksihan
Dapat ay bukas ang puso at payapa ang kaisipan
Kung tayo ay gawa sa putikan
Nandito ba tayong lahat para lang mahulma
Pero nakatulog lang sa sinehan
Pag gising ang palabas ay magtatapos na
Kakumusta, kasi yung mga pinapanuod namin minsan kapus pa

Ngunit sa lakas ng pagbagsak parang
Bola ganun din kataas ang pag talbog nya
Kung ang buhay sinusukat sa segundo
Meron tayong tig iisang minuto
San mo gagamitin ang mga natitirang ginto mo?
Madadala mo ba lahat yan pagdating sa dulo?
Pag nandyan na yung sundo mo?
Na tayong lahat
Marami rami narin ang kinukumplika

Baka papunta sa
Bago tayo magtapos papunta
Din lahat dun diba?
Kaya mga nagmamalinis
Nagmamabango
Bahala kayo
Magkikita kita rin tayo sa pagiging abo
Basta ako sisindi ng damo
Makikigamit nalang sa di luging ako tara

Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang

Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
Sundan ang liwanag, Gisingin ang kamalayan

Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang

Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman

Buhay sing iksi ng gitling sa lapida
Isang regalo na malaman tuwing umaga
Ako'y nagigising at humihinga
Naibahagi ko ba ang kaligayahan para sa iba
Natagpuan ko rin naman kaya para sa sarili ko at nakapagtira
Baka tayo'y parang mga dahon lang
Na ang misyon ay ang magpataba sa lupa
Para may matibay na maapakan ang mga
Susunod na magiging binhi supling at utak
Nung ako'y namasukan

Naghintay ako ng pitong linggo para maging ganap na nilalang
Ganun din ba sa paglisan?
May apat na pu't araw pagkatapos ng pasiyam!?
Kahapon na ngayon kapag bukas ay dumaan
Dahil sa kakatingala mo sa prutas sa ubasan
Bawat segundo'y mahalaga, di mo alam kung ilan nalang ang nasa orasan
Natin papuntang impyerno ang mga pangarap kong daan
Meron ba talagang buhay na walang hanggan?
Maililigtas ba 'ko ng santo saking ulunan?
Makakapasok ba ako sa palasyo sa kaulapan?

At kung tunay yan nasa banal na kasulatan
Ang paanyaya ni kamatayan ay papaunlakan
Ano kayang pakiramdam pag ako naman ang haba ng pila sino
Kayang nasa unahan?
Walang permanente sa mundo alam ko yan
Kaya nais kong pumanaw na may kabuluhan
Ang buhay tulad ng lahat ay may katapusan
Wala ka ng magagawa kung hanggang doon na lang

Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang

Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
Sundan ang liwanag, Gisingin ang kamalayan

Hindi ka pwedeng hindi magpaalam
Dahil ang buhay natin ay hiram lang

Nilukso ko ang kalawakan
Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman
Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan
Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman

Sensya na, di ko maintindihan yung iba hahaha



Credits
Writer(s): Lester Paul Vano, Marlon Peroramas, Ron Henley
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link