Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

Kung tayo ay matanda na, sana'y 'di tayo magbago
Kailan man, nasaan ma'y ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang ako'y hagkan at yakapin, mmm
Hanggang sa pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo, ako pa kaya'y ibigin mo?
Kung maputi na ang buhok ko

Pagdating ng araw, ang 'yong buhok ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap ng nakaraan sa 'tin
Ang nakalipas ay ibabalik natin, mmm
Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko, whoa

Ang nakalipas ay ibabalik natin, mmm
Ipapaalala ko sa 'yo ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi
Kahit maputi
Kahit maputi na ang buhok ko



Credits
Writer(s): Valera Rey
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link