Ang Buhay Nga Naman

Ang buhay nga naman, 'di mo maintindihan
'Di mo alam kung saan ang hangganan
Ang buhay ng tao, sadyang misteryoso
'Di mo alam kung kailan ang katapusan

Ngunit, ika'y maaalala sa mga kuwento mong madrama
At hindi malilimutan ang iyong mga kalokohan
At ika'y pag-uusapan at pagtatawanan
Ngunit, mangungulila sa iyong paglisan

Ang buhay nga naman, kay lalim ng kahulugan
'Di mo alam kung ano ang kapalaran
Ang buhay ng tao sa ibabaw ng mundo
'Di mo batid kung ano ang iyong daratnan

Ngunit, ika'y maaalala sa mga kuwento mong madrama
At hindi malilimutan ang iyong mga kalokohan
At ika'y pag-uusapan at pagtatawanan
Ngunit, mangungulila sa iyong paglisan

Ang buhay ng tao sa ibabaw ng mundo
Paikot-ikot at sadyang mapaglaro

Ngunit, ika'y maaalala sa mga kuwento mong madrama
At hindi malilimutan ang iyong mga kalokohan
At ika'y pag-uusapan at pagtatawanan
Ngunit, mangungulila sa iyong paglisan

Ngunit, mangungulila sa iyong paglisan



Credits
Writer(s): Noel Cabangon
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link