Tuloy Pa Rin

Sa wari ko'y lumilipas na
Ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo'y babawi na

Muntik na nasanay ako
Sa aking pag-iisa
At kaya nang iwanan
Ang bakas ng kahapon ko

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Kung minsan ay hinahanap pa
Ang alaala ng iyong halik (alaala ng 'yong halik)
Inaamin ko na kay tagal pa
Bago malilimutan ito

Kay hirap nang maulit muli
Ang naiwan nating pag-ibig (alam ko na 'yan)
Tanggap na at natututo pa
Harapin ang katotohanang ito

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin (tuloy pa rin)

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Muntik na nasanay ako
Sa aking pag-iisa
Kaya nang iwanan
Ang bakas ng kahapon ko

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin (tuloy pa rin)

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko (tuloy, tuloy, tuloy pa rin)
Nagbago man ang hugis ng puso mo (nagbago man ang puso mo)
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin (tuloy pa rin)

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko (tuloy, tuloy, tuloy pa rin)
Nagbago man ang hugis ng puso mo (nagbago man)
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin

Tuloy pa rin, mmm
Tuloy pa rin



Credits
Writer(s): Ito Rapadas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link