Mabaya

Parang tsiklet sa ilalaim ng upuan
Hindi mo alam na matagal nang nariyan
Kapag ito'y iyong natagpuan
Mahirap nang linisin at ayaw mo nang hawakan

Tulad ng isang sakit na sumisigaw ng saklolo
Habang naririnig ko ang mga delubyo
Na nag-iimpyerno sa kanyang dugo
Sa bawat ugat, nagsusugat
Mabigat, mabilis na kumakalat
At habangbuhay na maglalamat

Kasabay ng mga alabok na iyong hinihingahan
Alikabok na ating nilalakaran
Pinipira-piraso ang aking katawan
Ginago ako na walang kalaban-laban

Habang tumitingkayad ang mga paa't kalamnan
Nangungusap sa uling na kalawakan
Para masulyapan muli ang aking kabuuan
Kahit wala pa itong katiyakan

Mundo, dahan-dahan kang nananamlay
Dala namin ang unos na sa iyo'y pumapatay
Mundo, hayaan mo na ang aking mga tula'y
Kahit sa haraya'y magningning ng bukang-liwayway

Kahit ang daloy ng oras at dapithapon ay kumupas
Hayaan na ang aking mga tula ay maging bahaghari ng bawat bukas
At ang bawat kulay nito ay magkwento ng pagpiglas
Sa mga sakit na walang lunas

Ipapasan sa aking puso't isipan ang mga prase't metapora
Kahit na ang aking pluma ay unti-unting naglalaho ang tinta
Habang marunong pa ako magbuntong-hininga
Ang aking mga tula'y patuloy na magbibigay pag-asa



Credits
Writer(s): Paul Leonard Cardenas
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link