Hibla
Ewan ko ba
Hindi ko rin alam kung bakit ko binagsak ang HELE
Sa mga simpleng gawaing-kamay pa ako sumablay
Sabi ni Nanay
Kailangan ko raw matutunan ang mga ganitong bagay
Dahil magagamit ko raw ito habang buhay
Tulad ng running stitch na ibig sabihin ay padayon o abante
Back stitch naman kung gusto mo raw
Pumiglas
Umataras
Bumalik
O maging Kampante
At cross stitch naman daw para maligaw sa mga daan
Patungo sa aking tahanan
At heto na nga
Heto ako
Heto tayo
Tinatahi ang mga tagpi ng ating buhay para mabuo
Na kahit minsan ang ating mga braso ay nangangalay
Madalas ang puso'y nananamlay Katawa'y gusto nang bumigay
At nasusugatan sa mga sariling karayom na bitbit ng ating mga daliri't kamay
Pero heto pa rin tayo, minsa'y yumuyuko
Panandaliang humihinto
Ngunit kailanma'y hindi sumusuko
Ihalintulad mo ang mga tuyong dahon ng buri sa ating buhay
Ikaw ang magtitrintas nito at magbibigay ng iba't-ibang kulay
Isipin mo na lang kung ilang libong hibla ang bumubuo sa isang banig
At ang bawat hibla nito ay sumisimbolo ng mga kulay ng ating sariling daigdig
Magkakaiba man ang bawat lusot at daan
Iisa lang ang tinatahak nitong mga sangandaan
Na maghuhulma ng ating pangarap at pagkatao
Magiging sandata ng ating pagkabuo
Maghuhugis ng ating prinsipyo
At maghuhubog ng kulturang Pilipino
Ngiti ang dala ng umaga
Kasabay ang mga kulay
Puti
Bughaw
Kunig at
Mabaya
Na pagbubukluran ang bawat Hibla
Hanggang tuluyan na tayo'y maging isa
Kaya kung sakaling iiwan ko ang mundong ito
Masaya akong bababa sa aking Entablado
Malayang magpapahinga ang aking katawan at puso
Sa isang sining na hinulma ng mga kamay ko

Credits
Writer(s): Paul Leonard Cardenas
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
Other Album Tracks
Altri album
- Episode 6: The Art of Single-Tasking
- Epissode 4: The MOST POWERFUL WORD to Avoid Procrastination
- Episode 5: Prioritize IMPORTANT Things (that are NOT URGENT)
- Episode 3: Do a Morning Routine (before facing the World!)
- Episode 2: Be Grateful (First thing in the Morning!)
- 40 Life Lessons at 40
- Sa Akin (A Spoken Word Poetry by Niña Christelle Sumintac)
- Kahel
- Mabaya
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.