Daigdig

Sabi nila
Hindi mo raw kaya
'Wag na raw subukan pa
Wala ka raw mapapala

Pero bakit ka makikinig sa kanila?
'Di naman nila alam ang sinasabi nila
Sino ba sila at anong ambag nila?
Wala naman di'ba?

Kahit mukhang imposible
'Wag kang hihinto
Magpatuloy at magpursige
Makukuha rin ang ginto

'Wag padadaig kahit pasan ang daigdig
Kahit mabigat ang pasakit
Kahit gaano kasakit

Ang bira, di ka tutumba
Maniwala ka, magtiwala ka
'Wag kang magdududa
Ang pagsubok ay kayang-kaya

At kung pagod ka na
Matuto kang magpahinga
Pero 'wag kang hihinto
'Wag na 'wag kang susuko

Gawin mo'ng lahat ng kaya upang matupad
Ang mga ninanais at mga pangarap
Sa mga sagabal ay 'wag kang maduduwag
Kayang-kaya mo ang lahat

Kahit mukhang imposible
'Wag kang hihinto
Magpatuloy at magpursige
Makukuha rin ang ginto

'Wag padadaig kahit pasan ang daigdig
Kahit mabigat ang pasakit
Kahit gaano kasakit

Ang bira, di ka tutumba
Maniwala ka, magtiwala ka
'Wag kang magdududa
Ang pagsubok ay kayang-kaya

'Wag padadaig kahit pasan ang daigdig
Kahit mabigat ang pasakit
Kahit gaano kasakit

Ang bira, di ka tutumba
Maniwala ka, magtiwala ka
'Wag kang magdududa
Ang pagsubok ay kayang-kaya

'Wag padadaig kahit pasan ang daigdig
Kahit mabigat ang pasakit
Kahit gaano kasakit

Ang bira, di ka tutumba
Maniwala ka, magtiwala ka
'Wag kang magdududa
Ang pagsubok ay kayang-kaya



Credits
Writer(s): Ted Kirk Israel De Gala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link