Araw

Binuksan ang telebisyon
Napanood ko sa ulat ng panahon
Oh, may bagyo raw ngayon
Kaya pala umaambon

Sa labas, napatingin
Lumalakas na ang hangin
Wala na ang sikat ng araw
Ang paligid ay makulimlim

Habang naghahanda ako
Sa paparating na bagyo
Ay bigla kong napagtanto
Ang buhay ay parang ganito

Minsan kumikislap ang liwanag sa mga mata
Minsan naman, tumutulo bigla ang mga luha

Pero ayos lang 'yan
Kahit lumakas pa ang ulan
Ang kailangan lang
Ang loob ay tatagan

Dahil sisikat rin ang araw pagkatapos ng unos
Kaya huwag mag-alala kung nasugatan ka at magkaroon ng mga galos
Pagkatapos ng ulan, magliliwanag ang kalangitan
May bahaghari na nag-aabang
Ang araw ay muling masisilayan

Ohhh
Ituloy mo lang ang laban
Ang pagdurusa ay may katapusan

At kung pakiramdam mo'y lumalakas pa ang ulan
Nandito lang ako, handa kitang payungan

Kaya ayos lang 'yan
Kahit pa bumagyo man
Ang kailangan lang
Ang loob ay tatagan

Dahil sisikat rin ang araw pagkatapos ng unos
Kaya huwag mag-alala kung nasugatan ka at magkaroon ng mga galos
Pagkatapos ng ulan, magliliwanag ang kalangitan
May bahaghari na nag-aabang
Ang araw ay muling masisilayan

Sisikat rin ang araw pagkatapos ng unos
Kaya huwag mag-alala kung nasugatan ka at magkaroon ng mga galos
Pagkatapos ng ulan, magliliwanag ang kalangitan
May bahaghari na nag-aabang
Ito'y masisilayan

Credits
Writer(s): Ted Kirk Israel De Gala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link