Buwan

Salamat sa pag-gabay at sa pagsabay
Sa tila walang katapusan kong paglalakbay

Liwanag mong taglay
Sa akin ay bumubuhay
Sa tuwing ikaw ay naka-alalay
Ako'y tumitibay

Kahit gaano man kahaba ang daan
Kahit hindi sigurado sa pupuntahan
Kahit magdilim pa ang kalangitan
Basta ika'y nandiyan
Ikaw ang aking buwan

Kung ikaw naman ang nangailangan
Palaging tandaan, hindi kita papabayaan

Kahit gaano man kahaba ang daan
Kahit hindi sigurado sa pupuntahan
Kahit magdilim pa ang kalangitan
Ako'y nandito lang
Ako ang iyong buwan

Kahit gaano man kahaba ang daan
Kahit hindi sigurado sa pupuntahan
Kahit magdilim pa ang kalangitan
Basta ika'y nandiyan
Ikaw ang aking buwan
Ako ang iyong buwan



Credits
Writer(s): Ted Kirk Israel De Gala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link