Pahimakas

Madilim ang mundo pag di ka nakikita
Malamig ang gabi kung di kita kasama
Gumuhong bukas nating dalawa
Di napagtanto na mahalaga

Huling paalam mo ay binalewala
Di man lang pinansin, walang ginawa
Na manatili at pigilan ka
Di nakinig kahit bahagya
Ligalig ngayon ang dama

Kung alam ko lang na kulang pala
Ang mabuhay na wala ka
Kung alam ko lang sana'y di nalang
Hinayaan ang huli mo nang paalam

May daga sa dibdib nawala kang lubos
Kuliglig sa'king tenga tinig mong malamyos
Napapikit sa kakulangan
Di nga sapat kahit dumilat man
Hindi na muling nasilayan

Kung alam ko lang na kulang pala
Ang mabuhay na wala ka
Kung alam ko lang sana'y di nalang
Hinayaan ang huli mo na'ng paalam

Kung alam ko lang na kulang pala
Ang mabuhay na wala ka
Kung alam ko lang sana'y di nalang hinayaan

Kung alam ko lang na kulang pala
Ang mabuhay na wala ka
Kung alam ko lang sana'y di nalang
Hinayaan ang huli mo na'ng paalam



Credits
Writer(s): Rocky Baliton
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link