Malikmata

Paano ba nagkulang
Ang higit pa sa sapat
Dagling tinalikuran
Ng itinuring kong lahat
Napapawi ng luha
Ang dati, ngunit

Hindi mawari ng isip
Ito ba'y isang panaginip
Ikaw ay nariyan
Sa akin lumalapit
Isang iglap bumabalik
Ang nakaraan natin
Subalit nawala ka't
Kumupas sa dilim

Kailan mo natutunang
Baguhin ang pamagat
At nagawang palitan ang
Istorya ng ating aklat
Nahahawi ang ulap
Ng iyong ganda, bakit

Hindi mawari ng isip
Ito ba'y isang panaginip
Ikaw ay nariyan
Sa akin lumalapit
Isang iglap bumabalik
Ang nakaraan natin
Subalit nawala ka't
Kumupas sa dilim

Ng isipan aking napatunayan
Nilikha't hinubog lang ng kabaliwan
At nabuo sa gitna ng pangungulila
Sa malikot na utak ay hindi makawala

Hindi mawari ng isip
Ito ba'y isang panaginip
Ikaw ay nariyan
Sa akin lumalapit
Isang iglap bumabalik
Ang nakaraan natin
Subalit nawala ka't
Kumupas sa dilim
(Oh oh woah)



Credits
Writer(s): Rocky Baliton
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link