Lakbay

Sumasabay sa patuloy
Na ikot ng orasan
Naghihintay sa pagsibol
Ng bukas kailanman
Di ako susuko
Hinding hindi susuko

Naglalakbay sa 'king pangarap
Ang tagumpay ay hinahanap
Habang may pagkakataon
Mga sagot na sobrang kay ilap
Sa tanong ko nahagilap
Di sasayangin aking panahon

Natatamlay dahil minsan
Lunod sa kakutyaan
Natatangay sa utak
Ng mga taong walang alam
Kundi ako ay subukan
Sinusubukang pigilan

Naglalakbay sa 'king pangarap
Ang tagumpay ay hinahanap
Habang may pagkakataon
Mga sagot na sobrang kay ilap
Sa tanong ko nahagilap
Di sasayangin aking panahon

Hindi makakatungo
Sa paroroonan
Kung laging papansinin
Mga harang sa daan
At kung mapagod man
Sa 'king ginagawa
Di kakalimutan
Bakit ba 'ko nagsimula

Naglalakbay sa 'king pangarap
Ang tagumpay ay hinahanap
Habang may pagkakataon
Mga sagot na sobrang kay ilap
Sa tanong ko nahagilap
Heto at matatag ngayon

Naglalakbay sa 'king pangarap
Ang tagumpay ay hinahanap
Habang may pagkakataon
Mga sagot na sobrang kay ilap
Sa tanong ko nahagilap
Sana'y ito nang aking panahon



Credits
Writer(s): Rocky Baliton
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link