Buhay Ofw

Matayog ang kaniyang pangarap
Magandang kinabukasan ang hangad
Kaya siya'y nangibang bansa
Upang mapag-aral mga anak niyang naiwan

Mahirap kapag siya'y nagkasakit
Walang mag-abot kahit inuming tubig
Pilitin niyang bumangon, magtrabaho
Magtitiis at magsakripisyo

Ngunit kahit gano'n pa man
Pagsisisi, 'di niya naisipan
Tapusin niya ang kaniyang kontrata
Babalik sa Pilipinas, may naipon na

Oh, ganiyan ang buhay OFW
Lakas-loob, magsilbing sandata mo
Hindi alam ang kapalaran mo
Na ibibigay ng Diyos na para sa iyo

Oh, ganiyan ang buhay OFW
Masaya siguro ang akala niyo
Hindi niyo lamang alam kung paano
Kay hirap, kay lungkot, buhay OFW
Iyan ang totoo

Mahirap 'pag siya'y nagkasakit
Walang mag-abot kahit inuming tubig
Pipilitin bumangon, magtrabaho
Magtitiis at magsakripisyo

Ngunit kahit gano'n pa man
Pagsisisi, 'di niya naiisipan
Tapusin niya ang kanyang kontrata
Babalik sa Pilipinas, may naipon na

Oh, ganiyan ang buhay OFW
Lakas-loob, magsilbing sandata mo
Hindi alam ang kapalaran mo
Na ibibigay ng Diyos na para sa iyo

Oh, ganiyan ang buhay OFW
Masaya siguro ang akala niyo
Hindi niyo lamang alam kung paano
Kay hirap, kay lungkot, buhay OFW
Iyan ang totoo

Iyan ang totoo
Kay hirap, kay lungkot, buhay OFW



Credits
Writer(s): Avelino N Bautista
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link