Hahayaan Kong Lilisan Ka

Lalayo ka na sa piling ko
Ang tanong ko'y "Paano na ako?"
Pangyayaring 'di ginusto
Ang mawala ka sa buhay ko

Kailanma'y 'di malilimutan
Mga alaala na iyong iiwan
Ikaw na naging bahagi ng buhay
Nagpahalaga at sa aki'y nagmahal

Hahayaan kong lilisan ka
Ang humadlang ay 'di ko magawa
Sapagkat 'yan ang itinadhana
Kapalaran na Diyos ang nagtakda

'Di ka na matatanaw at 'di ka na masisilayan
Mananatili ka sa puso't isipan
Pangako ko'y 'di kita malilimutan
Hanggang sa muli, aking mahal

Kailanma'y 'di malilimutan
Mga alaala na iyong iiwan
Ikaw na naging bahagi ng buhay
Nagpahalaga at sa aki'y nagmahal

Hahayaan kong lilisan ka
Ang humadlang ay 'di ko magawa
Sapagkat 'yan ang itinadhana
Kapalaran na Diyos ang nagtakda

'Di ka na matatanaw at 'di ka na masisilayan
Mananatili ka sa puso't isipan
Pangako ko'y 'di kita malilimutan
Hanggang sa muli, aking mahal

Pangako ko'y 'di kita malilimutan
Hanggang sa muli, aking mahal



Credits
Writer(s): Avelino N Bautista
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link