Ulan Ng Pag-asa

Munting patak ng ulan
Na dumampi sa malungkot na halaman
Ay nagbigay sa kanya ng kasiyahan
Lubos na nagpasalamat sa kalangitan

Lupang tuyo, ngayo'y nabendisyunan
Ng pag-asa na inaasam-asam
At muling magbibigay ng kalusugan
Sa tanim na muntik na sa kamatayan

Ulan ng pag-asa, salamat sa iyo
Muling nabuhayan ang malungkot kong puso
Tanim ay nabigyan ng magandang pangako
Isa sila sa mga minamahal ko

May mga ngiti na naman sa ating magsasaka
Puso ko nama'y lubos na sumasaya
Dahil sa kanila at hangarin nilang dakila
May maihahain tayong kanin sa lamesa

Ulan ng pag-asa, salamat sa iyo
Muling nabuhayan ang malungkot kong puso
Tanim ay nabigyan ng magandang pangako
Isa sila sa mga minamahal ko

Ulan ng pag-asa, salamat sa iyo
Muling nabuhayan ang malungkot kong puso
Tanim ay nabigyan ng magandang pangako
Isa sila sa mga minamahal ko
Isa sila sa mga minamahal ko
Isa sila sa mga minamahal ko
Isa sila sa mga minamahal ko

Maraming salamat mahal na ulan
Marami kang nabigyan ng kasiyahan
Ngunit wag lamang po sosobrahan
Baka malunod naman ang ating
Kabukiran



Credits
Writer(s): Francis Rey Deynaco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link