Magsasaka (feat Johney)

Kapag nakita mo ang mga taong magsasaka
Mapapansin mong sila ay kulang sa pagpapahalaga
Kapirasong lupa na kanilang sinasaka
Madalas ay nakasanla o hindi na sa kanila

Merong ayuda galing sa gobyerno
Kakarampot na iilang piso
Di man lang makabili ng mga punla at mga abono
Sa pag-aani ng produkto kulang kulang dahil walang pondo
Tapos babaratin pa ng mga traders na demonyo oh

Bigyan ang magsasaka ng sapat at patas na pondo
Para di naman magutom ang ating mga tao
Sila ang magtataguyod sa bansa ng Pilipino
Tulungan naman sana sila ng ating gobyerno oh

Pa'no kung maisip nila
Ayaw na magsaka dahil lugi
Uutang na pambayad sa utang
Di na mabayaran dahil ubos na
Mga baka ay nabenta na
Pati ang bahay ay nakasanla
Tapos dadalawin pa ng trahedya mga tanim ay nasalanta na

Bigyan ang magsasaka ng sapat at patas na pondo
Para di naman magutom ang ating mga tao
Sila ang magtataguyod sa bansa ng Pilipino
Tulungan naman sana sila ng ating gobyerno oh

Mga anak ay pinag-aaral na
Ginagapang para makaalis na
Sa kahirapan ng pagiging magsasaka ayaw na nyang maranasan nila
Pa'no kaya kung tayo'y iwan nila at sila naman ang magpahinga
Walang mabibiling pagkain, silbi ng pera ay wala na ah ah

Maisip sana natin na alagaan ang magsasaka
Ang kanilang mga gawain ay bigyan ng importansya
Pagmamahal at pang unawa
Pinansyal at mental na ayuda
Para maipagpatuloy nila ang kabayanihan na kanilang ginagawa ah

Bigyan ang magsasaka ng sapat at patas na pondo
Para di naman magutom ang ating mga tao
Sila ang magtataguyod sa bansa ng Pilipino
Tulungan naman sana sila ng ating gobyerno

Bigyan ang magsasaka ng sapat at patas na pondo
Para di naman magutom ang ating mga tao
Sila ang magtataguyod sa bansa ng Pilipino
Tulungan naman sana sila ng ating gobyerno oh



Credits
Writer(s): Francis Rey Deynaco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link