Diyosa Ng Kalikasan (feat. Bob Lipaen)

Hindi man kita nakikita
Sa paligid ko ika'y damang-dama
Sa tuwing hawak ko ang gitara
Sa wari ko'y ika'y kumakanta

Sumisigaw sa hangin
Kahit ika'y wala sa paningin
Kapag ako'y kanilang tanungin
Kagandahan mo'y nagniningning

Diyosa ng kagubatan
Diyosa ng karagatan
Diyosa ng kalangitan
Diyosa ng kalikasan

Hindi man kita nakikita
Sa paligid ko ika'y damang-dama
Sa tuwing hawak ko ang gitara
Sa wari ko'y ika'y kumakanta

Bumubulong sa hangin
Ang himig ko'y iyong dinggin
Kapag ako'y iyong napansin
Sana naman ako'y yakapin

Diyosa ng kagubatan
Diyosa ng karagatan
Diyosa ng kalangitan
Diyosa ng kalikasan

Kaya ika'y magpakita na sa akin
Pasasalamat ang iyong tatanggapin
Isasapuso ang iyong tagubilin
Na ang kalikasan natin ay mahalin

Sinisigaw sa hangin
Ang himig ko'y iyong dinggin
Kapag ako'y iyong napansin
Sana naman ako'y yakapin

Diyosa ng kagubatan
Diyosa ng karagatan
Diyosa ng kalangitan
Diyosa ng kalikasan

Diyosa ng kagubatan
Diyosa ng karagatan
Diyosa ng kalangitan
Diyosa ng kalikasan



Credits
Writer(s): Francis Rey Deynaco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link