Morning Good

Oh oh oh oh oh oh
Oh oh oh oh oh oh

Alas singko ng umaga nang ako ay magising
Di ko alam kung pano bumalik sa pagtulog
Sa panaginip na naudlot, sa masarap na pahinga
Sa sa paghilata sa malambot kong kama
Nakatunganga ngayon naghihintay na sumilay ang umaga
Di ko na alam kung ako'y babangon na't bababa na't magkakape na
Titignan ang kabute kung may tumubo na
Para mamaya may maluto na na longganisa at masarap na chicharong
Paborito ng mga bata't matanda
Masarap kahit na walang suka, kanin na lang may ulam na
Teka nga dalawin ko nga, isda ko baka nalunod na
Ay buti na lang buhay pa sila, mamaya may pang prito na
Sasabayan ng letsugas at talong, toyo, kalamansi at kangkong
Pero wag kalimutan na diligan tanim na gulay at halaman
Para sa future tayo'y nagutom, may food trip pa rin tayo

Oh oh oh oh oh oh
Wag natin kalimutan kung san tayo nagmula
Oh oh oh oh oh oh

Bubuksan ang radyo makikinig sa balita
Ano na bang nangyari sa mahal kong Pilipinas
Ay naku Covid na naman, buong istorya sa balita, sya ang laman
Nagkaron na rin si congressman, buti na lang wala akong pakialam
Naghihilom ang mundo sa ating pang aabuso
Sa ginawang paninira nating mga tao
Kaya dapat maging aral sa 'tin toh
Dapat mahalin natin ang mundo
Dahil talo ang tao pag sya ang gumanti
Walang ayaw-ayawan lahat ay kasali
Wag nating kalimutan kung saan nagmula
Dun na rin tayo lahat mawawala
Kung di mo inalagaan ang di sa iyo
Darating ang oras babawiin sa 'tin toh

Yeah!



Credits
Writer(s): Francis Rey Deynaco
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link