Pakiusap

Wala na ngang iba ngayon sa puso ko
Mula nang makilala ko ang tulad mo
Dati, 'di ko pansin ang 'yong paglalambing
Pag-ibig na pala, at 'yo'y para sa 'kin
Ligaya kang tunay sa damdamin

Ngayo'y naging makulay ang aking mundo
Lahat ay nag-iba, 'yan ay dahil sa 'yo
Langit ang sandali 'pag kapiling ka na
Lagi nang may ngiti 'pag nakikita ka
Sana tayo'y 'di na magwalay pa

Oh, kay tagal ko ring ikaw ay pinangarap
Sana'y 'wag sasaktan, 'yan ang aking pakiusap
Dahil kung ika'y mawawala, wala ring dahilan
'Di na iibig pa kailan pa man

'Di na iibig pa kailan pa man, whoa

'Di na iibig pa kailan pa man

Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link