Habang May Buhay

Nais kong mabuhay sa haba ng panahon
Kung ito'y lilipas na ika'y kapiling ko
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay

Tangi kong panalangin ay pagsamo mo
Kailanma'y 'di magmamaliw ang apoy sa puso ko

Habang may buhay, habang may buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy, sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay

At kung tayo'y magwawalay, ako'y mabibigo
'Di na nanaisin pang ituloy ang buhay ko

Habang may buhay, habang may buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy, sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay

Ibig kong malaman mo
Hanggang sa dulo ng mundo
Ang pangarap ko'y sa 'yo

Habang may buhay, habang may buhay
Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy, sa 'yo lamang iaalay
Ang aking buhay, ang aking buhay
Sa 'yo ibibigay
Sa 'yo ibibigay



Credits
Writer(s): Wency Cornejo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link