Pangako Ng Kahapon

Kumusta ba'y ligaya
Sa unang pagkikita?
Bakit nga ba ang puso, pilitin mang pigila'y
Ayaw mapag-isa?

Walang-hanggang pangarap
Ang siyang nakakatulad
Sa pagsapit ng bukas
Ligaya nga kaya'y wala na ngang wakas?

Kumusta ba'y pangako
Kapag mayro'ng pagsuyo?
Kapag nararahuyo, maging kahit ano'y
Ipipintig ng puso

Lunod sa alaala
Ganyan nga ba sa t'wina?
Gabi hanggang umaga
Pangako nga kaya'y hindi mag-iiba?

Kumusta ba'y pangako?
Ooh-ooh, oh, oh

Oh, walang-hanggang pangarap
Ang siyang nakakatulad
Sa pagsapit ng bukas
Ligaya nga kaya'y wala na ngang wakas?

Kumusta ba'y paalam
Kung 'di maunawaan?
Tanong ng bawat puso
Sino'ng dapat itangi hanggang kailan pa man

At kung sadyang sumapit
Na 'di ka niya ang langit
Ligaya na iniwan, pangako ng kahapon
Ngayo'y isang paalam

Kumusta ba'y paalam
Sa 'yo, aking mahal?



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link