Tayo Lang Dalawa

Ngayon ko lamang nadama, pag-ibig na naiiba
Pagmamahal na alay mo'y walang kasing ganda
Wala nang hahanapin pa, lahat na yata'y nasa 'yo
Pakaasahan mo, hindi magbabago

Ikaw ang aking pag-ibig, pag-ibig mo'y langit
At kailanpaman ay 'di kita 'pagpapalit
Maging bawat saglit sana laging kapiling ka
At 'di magwawalay kailanman, tayo lang dal'wa

Ang puso at damdamin ko ay tunay na para sa'yo
Ikaw lang at walang iba na iibigin ko
Maglaho man itong mundo, ako'y parating nasa 'yo
Hindi ka iiwan, 'yan ay asahan mo

Ikaw ang aking pag-ibig, pag-ibig mo'y langit
At kailanpaman ay 'di kita 'pagpapalit
Maging bawat saglit sana laging kapiling ka
At 'di magwawalay kailanman, tayo lang dal'wa

Ikaw ang aking pag-ibig, pag-ibig mo'y langit
At kailanpaman ay 'di kita 'pagpapalit
Maging bawat saglit sana laging kapiling ka
At 'di magwawalay kailanman, tayo lang dal'wa

Tayo lang dal'wa
Tayo lang dal'wa



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link