Babadap-Badap

Haaaa babadap-badap
Babadap-badap babadap-badap
Haaaa babadap-badap
Babadap-badap babadap-badap

Kahit nung ako ay bata pa
Sa iba ako'y naiiba
Minsa'y di ko maintindihan
Ang aking nararamdaman

Tulad dun sa sineng Superman
Habang ang buong barkadahan
Type na type nila si Lois Lane
Kay Clark ako nahuhumaling

Ito ba'y isang sumpa
Di ko naman sinasadya
Ano nga ba'ng magagawa

Ng puso kong babadap-badap
Babadap-badap, babadap-badap
Ang puso kong babadap-dapap
Babadap-badap, babadap-badap
Nabadap sa iyo

Haaaa babadap-badap
Babadap-badap babadap-badap
Haaaa babadap-badap
Babadap-badap babadap-badap

Sabi nga ng tatay kong macho
Dapat bugbugin ang tulad ko
Sabi ng mga relihiyoso
Pupunta ako sa impyerno

Ang bigat-bigat na ngang dalhin
Ay natatawa ka pa sa akin
O baka naman bading ka rin
Nahihiya ka lang aminin

Di nila matatanggap
Kaya ako'y nagpapanggap
Ang sidhi at ang saklap

Ng puso kong.



Credits
Writer(s): Gary Granada
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link