Lakbayin Ang Pilipinas

Lumingon ka kaibigan, makinig ka kapatid
Himig sa iyong paligid kay sarap sa pandinig
Ito ay 'di nanggagaling sa ibayong lupain
At sadyang kay lapit-lapit, sa dibdib pumipintig

Kay ganda ng Pilipinas, kay sarap lakbayin
Lakbayin ang Pilipinas at sarili'y tuklasin
Huwag maging dayuhan sa iyong sariling bayan

Pagmasdan mo kaibigan, bawat kulay at ugali
Bawat lulan bawat bayan, may tanging ganda't ngiti
Lumingon ka kaibigan sa iyong pinanggalingan
At ika'y makararating sa iyong paroroonan

Kay ganda ng Pilipinas, kay sarap lakbayin
Lakbayin ang Pilipinas at sarili'y tuklasin
Huwag maging dayuhan sa iyong sariling bayan
Lakbayin ng Pilipinas at sarili'y tuklasin

Tikman ko kaibigan, lasapin mo kapatid
Bawat lulan bawat bayan, ala-alang kay tamis
At sa hilaga at silangan, timog at kanluran
May pistang nagaanyaya na ating pagsaluhan

Kay ganda ng Pilipinas, kay sarap lakbayin
Lakbayin ang Pilipinas at sarili'y tuklasin
Huwag maging dayuhan sa iyong sariling bayan
Lakbayin ng Pilipinas at sarili'y tuklasin

Kay ganda ng Pilipinas, kay sarap lakbayin
Lakbayin ang Pilipinas at sarili'y tuklasin
Huwag maging dayuhan sa iyong sariling bayan
Lakbayin ng Pilipinas at sarili'y tuklasin

Kay ganda ng Pilipinas, kay sarap lakbayin
Lakbayin ang Pilipinas at sarili'y tuklasin
Huwag maging dayuhan sa iyong sariling bayan
Lakbayin ng Pilipinas at sarili'y tuklasin

Oh Pilipinas, kay sarap lakbayin
Lakbayin ang Pilipinas at sarili'y tuklasin
Huwag maging dayuhan sa iyong sariling bayan
Lakbayin ng Pilipinas at sarili'y tuklasin

Lakbayin
Lakbayin
Lakbayin ang Pilipinas at sarili'y tuklasin

Credits
Writer(s): Gary Granada
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link