Ibig Sabihin
'Di ba't kung minsa'y 'di mo masabi-sabi ang ibig sabihin
'Di naman kaya'y 'di mabigkas-bigkas ang ibig bigkasin
Sa dinami-dami ng mga nilalaman ng
Pagkayaman-yaman nating talatinigan
Himalang 'di maintindihan, 'di mo masabi ang ibig
Kahit ang dakila ay tila ang dila ay namimilipit
At ang salita'y 'di matumpak-tumpak at patumpik-tumpik
Tunay nga kayang tunay ang sinasabi ng 'ika nga'y
Nakatatanda kung matatandaan
'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi, sabi'y pag-ibig
At ang ibig lang sabihin
Ang marapat, marapatin
Ang 'di mo pansin, dapat pansinin
Ang 'di mo rinig, dapat ay dinggin
Kadalasan ay dinadaan-daan na lang natin sa biro
Kahit naglulupasay at nagdurusa at nagdurugo
'Di nga ba't ang sabi ng lumang kasabihan
'Di yata't tulak ng bibig ay kabig ng dibdib
'Pag ibig sabihi'y 'di masabi-sabi sabi'y pag-ibig

'Pag ibig sabihi'y di masabi-sabi sabi'y pag-ibig

Credits
Writer(s): Gary Granada
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.