Pag Nananalo Ang Ginebra

Sinusundan ko ang bawat laro
Ng koponan kong naghihingalo
Sa bawat bolang binibitaw
'Di mapigilang mapapasigaw

Kahit hindi relihiyoso
Naaalala ko ang mga santo
O San Miguel, Santa Lucia
Sana manalo ang Ginebra

Ngunit ang aga nilang nagkalat
Bawat diskarte, nasisisilat
Nagkasundo kaming magkakampi
Na ang labo kasi ng referee

Ang barangay, parang napeste
Natambakan agad kami ng bente
Parang bansa'y nagkaleche-leche
At nare-elect ang presidente

Pagbigyan n'yo na ako
Paminsan-minsan lang ito
Gumaang ang nabibigatang puso
Pagbigyan n'yo na ako
Sa munting hilig kong ito
Kung hindi'y baka mag-away pa tayo

Nang 2nd half ay nag-umpisa
Nag-umpisa ang ratsada nila
Ipit na pukol ni Noli Locsin
Kahit finoul, pasok pa rin

Ang double-team nila'y walang epekto
Sa alee hoop at alahoy ni Marlou
Sunod-sunod sa magkabilang kanto
3 points ni Hizon at Jarencio

Opensa nila ay nasasaling
Sa hustle ni Mackie at Benny Cheng
Halos ang bola ay 'di makatawid
Sa mga nakaw ni Flash David

Ang execution ay swabeng-swabe
Sa mga plays ni Coach Jaworski
Biglang umugong ang buong palibot
Mukhang maglalaro na rin si Dudut

Pagbigyan nyo na ako
Paminsan-minsan lang ito
Gumaang ang nabibigatang puso
Pagbigyan n'yo na ako
Kahit na kahit paano
Sumaya ng bahagya itong mundo

Tatlong minuto pa ang natitira
Nang kami ay nakahabol na
Sa isang iglap nagpalit ng score
Lamang na kami 99-94

Bumabalik sa aking isip
Ang manliligaw ko noong Grade 6
Napapatawad ko na ang Alaska
'Pag nananalo ang Ginebra

O kay ganda ng aking umaga
Feeling ko wala akong asawa
At ang dati kong boyfriend ay hiwalay na
'Pag nananalo ang Ginebra



Credits
Writer(s): Gary Granada
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link