Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba

Mahirap talagang magmahal ng siyota ng iba
Hindi mo mabisita kahit na okay sa kanya
Mahirap o mahirap talaga
Maghanap na lang kaya ng iba?

Ngunit kapag aking makita ang kanyang mga mata
Nawawala ang aking pagkadismaya
Sige lang, sugod lang o bahala na
Bahala na kung magkabistuhan pa

I-dial mo ang number sa telepono
Huwag mong ibigay ang tunay na pangalan mo
'Pag nakausap mo siya, sasabihin sa 'yo
Tumawag ka mamaya, nandito siyota ko

Mahirap talaga ang magmahal ng iba
Oh, sakit ng ulo, maniwala ka
Ngunit kahit ano pa ang sabihin nila
Iwanan siya'y 'di ko magagawa

Mahirap humanap ng iba
Oh, sakit ng ulo, maniwala ka
Ngunit kahit ano pa ang sabihin nila
Iwanan siya'y 'di ko magagawa

Iwanan siya'y 'di ko magagawa
Iwanan siya'y 'di ko magagawa
Iwanan siya'y 'di ko magagawa



Credits
Writer(s): Jaime Paredes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link