Princesa

Mula noong ako'y nag-umpisang maglakad
Tila may kumpas ang bawat hakbang
Natutong sumayaw sa sariling paraan
Sa bawat tugtog na alam

Hindi naman sa ako'y nagmamayabang
Kailan ma'y hindi pa natanggihan
Mahusay magdala at tila napakagaan
Sa hangin, parang lumulutang

Maraming kapareha na sa akin nagdaan
Pagkatapos ng tugtog, nalilimutan
Ngunit nang makita s'ya sa sayawang ito
Nanlambot ang tuhod at natorete na pati paa ko

Panaginip kita, mahal na prinsesa
Minsan sana'y makapareha
Ibibigay ko pati puso ko
Para lamang makasama ka
Makapareha ka
Mahal na prinsesa

Dahan-dahang nilapitan ang dilag na ito
At mapormang sinayaw sa gitna
Umikot nang umikot at nakakahilo
Lahat ng tao'y tulala

Iisa ang kapareha sa buong magdamag
'Di ko s'ya mapagod at hindi matagtag
'Di ko maiwanan at 'di rin mabitawan
Tuloy-tuloy ang kapit hanggang sa mauwi na sa simbahan

Panaginip kita, mahal na prinsesa
Minsan sana'y makapareha
Ibibigay ko pati puso ko
Para lamang makasama ka
Makapareha ka
Mahal na prinsesa

Mula noong kami'y sa simbahan naglakad
Magkasama na sa araw at gabi
May iilang mga supling na ngayo'y nadagdag
Na sumasayaw na rin sa tabi



Credits
Writer(s): Danny Javier
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link