Kaibigan

Kaibigan, tila yata matamlay ang 'yong pakiramdam
At ang ulo mo sa kaiisip ay tila naguguluhan
Kung ang problema o suliranin ay lagi mong didibdibin
Ay tatanda kang bigla, 'pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Iniwanan ka ng minahal mo sa buhay mo at nabigla
Sinamba mo siya, binigyan mo ng lahat at biglang nawala
Ang buhay mo'y alalahanin at 'wag naman maging maramdamin
At tatanda kang bigla, 'pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Kasama mo ako at kasama rin kita
Sa hirap at ginhawa
Ako'y kagabay mo at may dalang pag-asa
Limutin siya, limutin siya
Marami, marami pang iba

Kaibigan, kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw s'ya, napasama sa iba't napaibang landas
Marami pang malalapitan, mababait at 'di naman pihikan
At tatanda kang bigla, 'pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Kasama mo ako at kasama rin kita
Sa hirap at ginhawa
Ako'y kagabay mo at may dalang pag-asa
Limutin siya, limutin siya
Marami pang iba

Kaibigan, kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw s'ya, napasama sa iba't napaibang landas
Marami pang malalapitan, mababait at 'di naman pihikan
At tatanda kang bigla, 'pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa



Credits
Writer(s): Danny Javier
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link