Pumapatak Ang Ulan

Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay
'Di maiwasang gumawa ng 'di inaasahang bagay
Laklak nang laklak ng beer magdamagan
May kahirapan at 'di maiwasan
Mabuti pa kayang matulog ka na lang
At baka sumakit ang tiyan

Ang araw ko'y nabubusisi, ako ang nasisisi, bakit ba sila ganyan?
Ang pera ko ay 'di magkasya, hindi makapagsine at ayaw naman dagdagan
Ubos na rin ang beer kaya kape na lang
Lahat sinusubukan kahit walang pulutan
Ang buhay ng tamad, walang hinaharap
Ni konting sarap man lang

Radyo, TV at mga lumang komiks
Wala nang ibang mapaglibangan
At kung mayro'n kang tatawagan
30 sentimos, ika'y makakaltasan, ah-ha...

Umiindak ang paa sa kumpas ng tugtuging bago
Hanggang kumpas ka na lang at 'di mo na alam ang tono
Sa paghinto ng ulan, ano ang gagawin?
Huwag nang isipin at walang babaguhin
Mabuti pa kaya, matulog ka na lang
Matulog na nang mahimbing

Pumapatak na naman ang ulan
Pumapatak na naman ang ulan
Pumapatak na naman ang ulan



Credits
Writer(s): Javier Danny
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link