Ambon

Tumitigil ang pag-ikot ng aking munting mundo
Kapag nakikita ang iyong ngiting kasing liwanag ng
Araw-araw ninanais marinig ang tawang siyang
Tumunaw sa pusong giniginaw sa lamig nang lumipas

Ngunit kahit magkaharap, dito ay bumabagyo
Ngunit d'yan, umaambon lamang

Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
Ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap
Paano ba patitilain ang bagyo
Kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano na ito?

'Di mapaliwanag ang galak na aking nadadarama
Kapag abot-kamay na ang bahagharing inaasam

Ngunit kahit magkaharap, dito ay bumabagyo
Ngunit d'yan, umaambon lamang

Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang
Ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap
Paano ba patitilain ang bagyo
Kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano ba patitigilin ang pagbuhos ng bagyo?
Pagbuhos ng bagyo
Paano ba patitigilin ang pagkahulog ko sa 'yo?

Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin
Nangangarap na maanggihan man lang

Kung gusto mo lang ay ambon

Credits
Writer(s): Nica Del Rosario
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link