Diamante

Matagal ko nang inaasam ang tunay
Totoong kumikinang na pag-ibig
Kaliwa't kanang huwad pala ang kulay
Ng mapagsamantala nilang daigdig

At nang sumilay ang sinag
Na parang araw ang sikat
Nagniningning, umiilaw
Walang iba kun'di ikaw

Diamante, ang pag-ibig mo
Kampante, diyan sa piling mo
Diamante, tulad ng bituin
Brilyante, sa aking paningin
S'yang hulog ng langit
Sagot sa dalangin
Iba ka talaga
Pinakamahalaga sa 'kin

Kislap ng 'yong liwanag
Ay busilak mong tinataglay
Nililok sa pagmamahal
Matibay at magtatagal

Diamante, ang pag-ibig mo
Kampante, diyan sa piling mo
Diamante, tulad ng bituin
Brilyante, sa aking paningin
S'yang hulog ng langit
Sagot sa dalangin
Iba ka talaga
Pinakamahalaga sa 'kin, oh

S'yang hulog ng langit
Sagot sa dalangin
Iba ka talaga
Pinakamahalaga sa 'kin

Matagal ko nang inaasam ang tunay
Totoong kumikinang na pag-ibig



Credits
Writer(s): Adelmo Fornaciari, Matteo Saggese, Francesco De Gregori, Mino Vergnaghi
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link