Dalawang Letra

Oo, oo, whoa-oh-oh-oh-oh
Oo, whoa, whoa-oh

Hindi ko malaman kung saan pupunta
Ang tono nitong kanta
Pababa, pataas, tumatalon-talon
'Di maipaliwanag kung paano ba ang aking gagawin

Para ma-win
Para ma-win ko ang 'yong puso na kay hirap sungkitin
Magsisibak ng kahoy at ika'y ipag-iigib
Lahat ng 'yong naisin ay handa akong i-give
Gagawin ko ang lahat, baka sakaling sa wakas ay marinig

'Yung dalawang letra, 'yung isang salita
Na pinapangarap ko, oh, please, sabihin mo na
Walang mga panga-pangako, isa lang ang sigurado
Ang puso ko'y sa 'yo

Sagutin mo lang ako ng oo, oo, whoa-oh-oh-oh-oh
Oo, oo, whoa-oh-oh-oh-oh
Sige na, please, 'wag mainis
Gusto ko lang ng matamis mong oo, whoa, whoa, whoa

Buksan mo na (buksan mo na)
Buksan mo na ang 'yong bintana
At dungawin ang humaharanang
May dala pang bulaklak at tsokolate
Nagbabaka-sakali na ngayong gabi ako ay swertehin

At 'di barilin (beng, bang)
At 'di barilin ng 'yong tatay na nakaabang na rin
Liligawan ka sa bahay, 'di idadaan sa text
Sasabihin ng 'yong nanay mas gusto ko siya sa ex mo
Sige na anak, sabihin mo na ang nais niyang marinig

Na dalawang letra, 'yung isang salita
Na pinapangarap ko, oh, please, sabihin mo na
Walang mga panga-pangako, isa lang ang sigurado
Ang puso ko'y sa 'yo

Sagutin mo lang ako ng oo, oo, whoa-oh-oh-oh-oh
Oo, oo, oh, whoa, whoa
Sige na, please, 'wag mainis
Gusto ko lang ng matamis mong oo, whoa, whoa, whoa

Ngunit nang makarating ako sa bahay ninyo
Nakita ko 'yung bestfriend ko na nakayakap sa 'yo
Ako'y nagulat at nasabing, "Matagal na ba itong nangyayari?"

At ang sagot mo ay oo, oo, oh-oh-oh-oh-whoa
Oo, oo, hu-hu-hu
'Lang hiya this, anak ni Janice
Ayoko na ng matamis mong oo, oo, whoa, whoa, whoa

I'm happy for you both, joke lang 'yun, ako'y yamot
Bahala na kayo, sa 'yo na 'yang matamis mong oo
Ayoko na sa 'yo, makakahanap din ako, oo



Credits
Writer(s): Davey Langit
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link