Mananatili

'Di na gumising
Magmula nang ika'y naging laman nitong panaginip
O biglang tumigil
Ang oras magbuhat nang Ika'y natala sa'king isip
Nandito na ngunit hindi maamin
At hanggang sa aking muling pag-idlip
Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Nang sandaling masilayan ka
Sa puso'y mananatili
Bakit 'di mapigil
Damdami'y tuwang tuwa
Sa bawat saglit na kapiling
Panong sasabihin
Pagsinta'y umaapaw
At 'di sapat aking tinig
Nandito na ngunit hindi maamin
At hanggang sa aking muling pag idlip
Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Nang sandaling masilayan ka
Sa puso'y mananatili
Na kapiling ka
Iniingat-ingatan o aking sinta
Dinadalangin sa bawat gabi ay ikaw
Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Nang sandaling masilayan ka
Sa puso'y nandito palagi
Mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Nang sandaling masilayan ka
Sa puso'y mananatili



Credits
Writer(s): Francis Louis Salazar
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link