Nyebe

Hindi ko maintindihan
Pag-ibig mo't kapatawaran
Pag-ibig na 'di mapantayan
Hinding-hindi mo ko iniwan

Sino ba naman ako?
Ako'y 'di karapat-dapat
Sino ba naman ako
Upang mahalin nang ganito?

Ako'y kulang nguni't pinuno mo ng pagmamahal
'Di mo kawalan nguni't ang sabi mo, ako'y iyong yaman
Ako'y binago mo, ikaw ang buhay ko
Walang katulad mo sa mundo
Panghahawakan ko'ng pag-ibig mo
Sa 'yo lamang ako
Sa 'yo lamang ako

Kahit maramot kong sinasarili
Tinalikuran, 'di ka pinili
Hangin lamang salita ng aking labi
Subali't pag-ibig mo pa rin naghari

Sino ba naman ako?
Ako'y hindi karapat-dapat
Sino ba naman ako
Upang mahalin nang ganito?

Ako'y kulang nguni't pinuno mo ng pagmamahal
'Di mo kawalan nguni't ang sabi mo, ako'y iyong yaman
Ako'y binago mo, ikaw ang buhay ko
Walang katulad mo sa mundo
Panghahawakan ko'ng pag-ibig mo
Sa 'yo lamang ako

Walang sino man ang katulad mo
Natatangi ang pag-ibig mo
Kulang ang kahit ano-anong salita ng pasasalamat
Bakit pag-ibig mo lamang sa 'kin ang nagpamulat?
Binuksan ang mga mata ng aking puso
Kita ko na ang tunay na kulay, anyo ng mundo
Hindi na ako lilisan sa piling mo
'Yan ang ikalulumpo ng buhay ko

Ako'y kulang nguni't pinuno mo ng pagmamahal
'Di mo kawalan nguni't ang sabi mo, ako'y iyong yaman
Ako'y binago mo, ikaw ang buhay ko
Walang katulad mo sa mundo
Panghahawakan ko'ng pag-ibig mo
Sa 'yo lamang ako
Sa 'yo lamang ako

Ako'y binago mo, ikaw ang buhay ko
Walang katulad mo sa mundo
Panghahawakan ko'ng pag-ibig mo
Sa 'yo lamang ako



Credits
Writer(s): Aries Sales
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link